Welcome Message

        Stretch out, get comfortable and be ready to get into the first ever created home page of barangay Tortugas. We are delighted to welcome you today as you log onto our home page to inquire about the present-day goings on in our beloved barangay. Though we are not certain, we believe that Tortugas is the only island barangay within the entire Bataan Peninsula. As we regularly update our webpage, we will endeavor to verify the barangay island status of Tortugas among others.

        Our home page was designed and populated with very important information with you our visitors in mind. And so move forward and enjoy as you surf our page. Firstly, you may want to click on the background of Tortugas and how we interact with the city of Balanga. Under this subject, you will also find the names of our current barangay officials.  Since every visitor has his or her unique concerns in logging into our webpage, we will leave you the option as to which subject area(s) your interest will take you. Inch by inch, we have planted into our webpage seeds of useful and great information that will keep your interest in our barangay to swell. Just like you, we have big expectations as to what, where and how our beloved island will stand among the greatest barangays of our province and of the entire Philippine archipelago. Thank you for visiting us today, and we hope that you revisit us again in the future.


News

  • Fire Safety Drill (Preparation for Regional Barangay Fire Olympics) Ang pagiging handa sa lahat ng bagay na hindi ina-asahan o mga emergencies ang madalas na binibigyan ng pansin ng ating barangay at dahilan ito upang patuloy ang ating mga fire volunteer brigade sa pagsasanay. Ang gawing ito ay preparasyon din sa darating na Regional Fire Olympics. Ang ating barangay ay madalas na nagwawagi sa labanang ito at layunin din naman ng bawat miembro ng brigada na magpatuloy sa kanilang kasanayan sa bagay na ito.
    Posted Dec 5, 2016, 6:21 AM by Barangay Tortugas
  • Tobacco-Free Generation (TFG) Promotion Ang TFG ay isa sa kinikilala ngayon hindi lamang dito sa atin kundi pati na rin sa iba pang mga bansa at nakatutuwa na ang City of Balanga ang unang nakilahok at magpatupad nito sa Pilipinas. Sa TGF, ang mga batang ipinanganak sa taong 2000 ay inanyayahan ng pamahalaang maki-isa sa programang ito at dahil sa kanilang magandang responde: “kailanman ay hindi sila gagamit o susubok manigarilyo.” Dahil dito, lalo pang pina-igting ang kampanya ng ating pamahalaan upang tuldukan na ang pang-iinganyo ng mga malalaking tobacco producers hindi lamang dito sa atin kundi maging sa buong mundo. Sa bagay na ito, ang Barangay Tortugas ay labis na nakiki-isa sa magandang layunin ng TFG kayat ito ay ...
    Posted Dec 5, 2016, 6:09 AM by Barangay Tortugas
  • Updates on Financial Management System Ang pagkakaroon ng maayos na pangangalaga ng ating pananalapi ay isa sa magandang kasanayan din dito sa ating barangay. Ang ating inilalaan ng mga pondo para sa mga serbisyo ay natutugunan ayon sa itinatalagang pananalapi sa mga programa at ito ay laging naaayon sa panuntunan. Sa kabila nito, ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ay patuloy pa rin sa pagbibigay ng mga updates at mga pag-aaral sa aming finance team upang mas higit pang mapangalaagan ang pananalapi ng barangay. Sa panahong ito rin napaguusapan kung meron mga pagbabago sa sistema sa paggawa ng financial report.
    Posted Dec 5, 2016, 6:07 AM by Barangay Tortugas
  • Registration of Live Birth Ang programang ito ay isa sa pinakihihintay ng mga tao sa panahon ng Barangay Week Program sapagkat nagkakaroon ang bawat isa ng pagkakataon na mai-ayos ang kani-kanilang birth cdrtificate, marriage contract at mga registration documents na ipinagkakaloob ng libre kung ang mga problemang idinudulog ay kayag disesyunan ng ating Local Civil Registrar. Nagpaptuloy ito upang ang mga serbisyong bayan ay sadyang nararamdaman ng mga tao aming pinagsisilbihan.
    Posted Dec 5, 2016, 6:06 AM by Barangay Tortugas
  • Barangay Health Day - "Kalusugan, Makakamtan sa Tamang Kaalaman" Ito ang ikalawang taon ng bagong tema ng Barangay Health day na nakapaloob sa Learning Barangay Week na ang layunin ay ipaalam sa mga kabarangay namin ang tunay na dahilan kung bakit ang bawat isa, matanda man o bata ay nagkakasakit o hindi nawawalan ng sakit. Isang programa na pinagtutulungan ng Barangay at ng Pamahalang Lungsod sa pangungunang City Health Office. Hindi tulad ng mga nakararaang programa na nakapaloob lamang sa typical na Medical mission na ang layunin lamang ay matingnan ng doctor at maresitahan ng libreng gamot upang sa gayon ay maisalba nila ang kanilang mga karamdaman. Subalit sa bagong tema, tinuturuan ng mga doctor, dentista at mga nurse ang mga tao upang upang alamin ang dahilan kung bakit ...
    Posted Dec 5, 2016, 6:04 AM by Barangay Tortugas
Showing posts 1 - 5 of 259. View more »