News


Fire Safety Drill (Preparation for Regional Barangay Fire Olympics)

posted Dec 5, 2016, 6:21 AM by Barangay Tortugas

Ang pagiging handa sa lahat ng bagay na hindi ina-asahan o mga emergencies ang madalas na binibigyan ng pansin ng ating barangay at dahilan ito upang patuloy ang ating mga fire volunteer brigade sa pagsasanay.

Ang gawing ito ay preparasyon din sa darating na Regional Fire Olympics. Ang ating barangay ay madalas na nagwawagi sa labanang ito at layunin din naman ng bawat miembro ng brigada na magpatuloy sa kanilang kasanayan sa bagay na ito.

Tobacco-Free Generation (TFG) Promotion

posted Dec 5, 2016, 6:09 AM by Barangay Tortugas

Ang TFG ay isa sa kinikilala ngayon hindi lamang dito sa atin kundi pati na rin sa iba pang mga bansa at nakatutuwa na ang City of Balanga ang unang nakilahok at magpatupad nito sa Pilipinas. Sa TGF, ang mga batang ipinanganak sa taong 2000 ay inanyayahan ng pamahalaang maki-isa sa programang ito at dahil sa kanilang magandang responde: “kailanman ay hindi sila gagamit o susubok manigarilyo.”

Dahil dito, lalo pang pina-igting ang kampanya ng ating pamahalaan upang tuldukan na ang pang-iinganyo ng mga malalaking tobacco producers hindi lamang dito sa atin kundi maging sa buong mundo. Sa bagay na ito, ang Barangay Tortugas ay labis na nakiki-isa sa magandang layunin ng TFG kayat ito ay aming sinosuportahan at patuloy ang kampanya hindi lamang sa mga bata (pangunahing target) kundi pati na rin sa mga may-gulang.

Updates on Financial Management System

posted Dec 5, 2016, 6:07 AM by Barangay Tortugas

Ang pagkakaroon ng maayos na pangangalaga ng ating pananalapi ay isa sa magandang kasanayan din dito sa ating barangay. Ang ating inilalaan ng mga pondo para sa mga serbisyo ay natutugunan ayon sa itinatalagang pananalapi sa mga programa at ito ay laging naaayon sa panuntunan.

Sa kabila nito, ang mga kawani ng Pamahalaang Lungsod ay patuloy pa rin sa pagbibigay ng mga updates at mga pag-aaral sa aming finance team upang mas higit pang mapangalaagan ang pananalapi ng barangay. Sa panahong ito rin napaguusapan kung meron mga pagbabago sa sistema sa paggawa ng financial report.

Registration of Live Birth

posted Dec 5, 2016, 6:06 AM by Barangay Tortugas

Ang programang ito ay isa sa pinakihihintay ng mga tao sa panahon ng Barangay Week Program sapagkat nagkakaroon ang bawat isa ng pagkakataon na mai-ayos ang kani-kanilang birth cdrtificate, marriage contract at mga registration documents na ipinagkakaloob ng libre kung ang mga problemang idinudulog ay kayag disesyunan ng ating Local Civil Registrar. Nagpaptuloy ito upang ang mga serbisyong bayan ay sadyang nararamdaman ng mga tao aming pinagsisilbihan.

Barangay Health Day - "Kalusugan, Makakamtan sa Tamang Kaalaman"

posted Dec 5, 2016, 6:04 AM by Barangay Tortugas

Ito ang ikalawang taon ng bagong tema ng Barangay Health day na nakapaloob sa Learning Barangay Week na ang layunin ay ipaalam sa mga kabarangay namin ang tunay na dahilan kung bakit ang bawat isa, matanda man o bata ay nagkakasakit o hindi nawawalan ng sakit. Isang programa na pinagtutulungan ng Barangay at ng Pamahalang Lungsod sa pangungunang City Health Office.

Hindi tulad ng mga nakararaang programa na nakapaloob lamang sa typical na Medical mission na ang layunin lamang ay matingnan ng doctor at maresitahan ng libreng gamot upang sa gayon ay maisalba nila ang kanilang mga karamdaman.

Subalit sa bagong tema, tinuturuan ng mga doctor, dentista at mga nurse ang mga tao upang upang alamin ang dahilan kung bakit sila nagkakasakit. Nakapaloob din sa gawaing ito ang pag check-up ng mga doctor sa mga pasyente.

CBDRRM: Reviews of EWS (Alert Levels, Pick-up Points, Low, Medium and High Risk Area & Go Bag)

posted Dec 5, 2016, 5:58 AM by Barangay Tortugas

Ang Barangay Tortugas ay isa sa pinaka bulnerableng lugar dito sa Lungsod ng Balanga pagdating sa mga kalamidad tulad ng bagyo, baha, lindol at iba pa, kaya ang isa sa pinagtuunan ng pansin ay ang pagiging handa sa hamon ng mga ganitong bantang panganib.

Naging bahagi na sa aming barangay ang pagsustina sa kasanayan sa pagiging alerto kung sakali mang meron ganitong pangamba kaya laging may nakapaloob ng mga pag-aaral at paghahanda sa aming barangay.

Ang programa din na ito ay upang sanayin at upang matandaan ng bawat residente ang aming mga alerto ibinibigay tulad ng Early Warning System na maririnig sa buong barangay sa pamamagitan ng Public Address System na dinig sa buong barangay.

Ang mga pick-up points na kung saan ay doon maghihintay ang mga evacuees upang kunin ng mga nakahandang sasakyan patungo sa evacuation centers. Ang pagkakakroon ng kaalaman ng mga residente sa community Risk Area at ang pagkakaroon ng bawat pamilya ng tinatawag na GO-bag na naglalaman ng mahahalgang bagay sa panahong sa panahon ng paglikas.

Forum on Drug Addiction and Counseling

posted Dec 5, 2016, 5:53 AM by Barangay Tortugas

Alam natin na ang bagay na ito ay isa sa pinakamalubhang prolema ng lipunan. Ang aming barangay ay masyadong nababahala sa posibleng mabiktima nito - kaya ang Barangay Anti-Drug Abuse Committee ay hindi tumitigil sa pagpapatupad ng kanilang programa tungkol dito.

Ang ganitong forum ay isa sa madalas na isinasagawa dito sa aming barangay upang ang aming mga kabataan na easy target ng ganitong mga bisyo ay mapaalalahanan. Ang pamunuan ay patuloy din sa pag-monitor upang sabayan at labanan ang mga modus na mabilis na nakai-emplwensya sa lipunan sapagkat hindi lamang mga bata kundi pati na rin ang mga may-gulang ay nabibiktima nito. Salamat kay Doctor Alvin Venzon na nagbigay ng panayam.

Crime Prevention

posted Dec 5, 2016, 5:45 AM by Barangay Tortugas

Patuloy na pinapaigting ng ating Pamahalaang Barangay at ng Lungsod ang maayos at tiyak na pamayanan hindi lamang dito sa ating barangay kundi sa kabuuan ng ating Lungsod. Sa pag-aaral na ito, ang ating kapulisan at Public Safety Office ay patuloy na nagkakaloob ng mga symposium sa ibat-ibang barangay upang sa bawat araw ay maalam ang pamayanan lalot higit ang ating mga kabataan tungkol sa mga modus ng masasamang elemento sa ating lipunan. Nagakakaron ng suguridad ang bawat isa dahil sa mga tips at paalala ng kanilang ibinabahagi sa bawat residente. 

Kick-Off for Skills Training on Basic Electrical Wiring Installation

posted Dec 5, 2016, 5:44 AM by Barangay Tortugas

Ang programa ng aming Barangay sa pagpapalakas ng mga Out of School Youth ay nagpapatuloy at ito ay isa sa matagumpay na accomplishments ng Barangay Literacy Coordinating Council at ng Komite ng Edukasyon.

Dahil sa tagumpay ng mga unang training tulad ng Hi-Speed Sewing Training at ng Welding Workshop na halos 98 % ng amig mga OSY trinee ay napagkalooban ng NC1 at NC2 achievements. Dahil dito, nais naman naming magkaroon ng training para sa Basic Electrical Wiring sa higit na 30 OSY sa taong ito.

Forum on Organizing Cottage Industry Type Livelihood

posted Dec 5, 2016, 5:39 AM by Barangay Tortugas

Matagal na ang plano ng barangay na magkaroon ng ganitong uri ng livelihood program na kung saan, ang bawat manggagawa ay tatanggap ng kita ayon sa dami ng kanilang ginagawang produkto.

Ito ay labor payroll type at sigurado ang kita depende sa dami ng kanilang gingawa. Ang mga produkto naman ay kukunin ng ahensya na magpapatupad upang ito ay daglian ng maibebenta o meron ng madadalan at hindi na rin mahihirapan pang ibenta ng mga taong gumagawa ng p    rodukto.

Sa aming karanasan, sa ibang uri ng livelihood na may kalakip na pinansyal (dole out) bilang puhunan sa prodokto, madalas na hindi tumatagal ang programa sapagkat ang problema nito ay ang market o ang mapagbebentahan ng mga produkto ng mga beneficiaries nito. Sa kasalukuyan, ito ay patuloy na pinag-aaralan ng ating Pamahalaang barangay upang mapag-isipan pa ng mabuti ang mga guidelines at panuntunan upang ito ay maipatupad.

1-10 of 259