News‎ > ‎

Learning Barangay Week Opening Program

posted Dec 4, 2016, 11:30 PM by Barangay Tortugas   [ updated Dec 5, 2016, 5:50 AM ]
Ang programa ay sinimulan sa panalangin na pinangunahan ng Administrative Pastor ng United Methodist Church na si Rev. Mesael Delos Reyes at sinundan ng pag-awit na ating Pambansang Awit na sinaliwan ng tugtog ng Señora Del Rosario Band 55 at ng pag-awit ng Tortugas Barangay Hymn na pinamagatang “Hawakan mo ang Bukas”

Nagpapatuloy ang Learning Barangay Week Program dito sa aming Barangay at ito ay labis naming ipinagpapasalamat sa City Government sa pangunguna ng aming mahal na Mayor Joet Garcia na ang tunay na adhikain ay ipagpatuloy ang mga sinimulang programa na makapag-aangat sa antas ng buhay dito sa aming Lungsod

Sa panahong ito, kasama namin ang Barangay Mentor Society Adviser na si Mr. Francis Garcia na sa kasalukuyan ay tumutulong upang palakasin pa ang mga programa ng bawat barangay sa Lungsod ng Balanga. Ang isa sa mga ito ay ang pagpapa-igting ng programa sa edukasyon sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknonolohiya. Ito ay kasama sa kanyang mensahe na binangit sa pagbubukas ng Learning Barangay Week dito sa aming Barangay.

Ang programang ito ay sinundan ng pagtatalaga sa mga enumerators na magsasagawa ng malawakang survey dito sa aming barangay at ito ay ang 2016 CBMS na kailangang – kailangan ng aming barangay upang maging basehan sa mga gagawing serbisyo publiko ng aming pamunuan. Isinagawa na rin sa panahon ito ang Running Club promotion ng City Government na bahagi rin naman ng healthy lifestyle program ng ating Barangay.
Comments