Sa kasaysayan, ang Barangay
Tortugas ay sinasabing nag-iisa at natatanging isla sa buong bayan ng Balanga.
Sa aerial view o tingin mula sa itaas, ito ay may hugis “pagong o turtle” at
napaliligiran din ito ng malinis na tubig na noo’y pinamamahayan at naging
pangitlogan ng mga pawikan. Sa ngayon, nabago na ang hugis ng lugar na ito
ngunit nanatili pa rin sa damdamin ng marami ang orihinal na pinagmulan kung
kaya’t dala-dala pa rin ang simbolo nito.
Ang turtle ay mabagal kumilos
sa lupa ngunit kung ito ay nasa kanyang sariling tahanan, mabilis ang pagkilos at
makakikitaan ng kasiglahan.
Yamang-tubig ang sumasakop
dito na kung saan ay laging pinapangangarap na pangalagaan ito. Ang isda ay
simbolo ng isang yamang dagat na pangunahing pinagkukunan ng kabuhayan ng mga
tao.
Ang ibon ay simbolo ng
kadakilaan mula sa ating Amang Lumikha na patuloy na nag bibigay ng hindi maubos-ubos na biyaya
at; Ang Sinag naman ay simbolo ng isang liwanag na nagbibigay tanglaw sa mga
pangarap tungo sa masigla, maayos at maunlad na pamayanan.
|
|